Matutina, Gian Isabelle A.12FSubmitted to: Ms. Honeylet AlertaIsang TinapayTinapay na inalay sa atin, O bigyan naman natin ng pansinNgunit ang mga batang pulubiHanggang tingin, wala ng tikim tikimTubig na ating inumin, Adobo na ating kinakainMga ulam na inaahinMadalas nalang natin baliwalainNgunit ang mga batang pulubiNag-iisa lamang ang kanilang layuninHalos gumapang sa lupain, para lamang makakainPera na ating ginagastos, nang walang pagsasaalang-alangPangbili ng mga sapatosAno? Para lang mapagyabang?Ngunit ang mga batang pulubiMaranasan ang mga ito ay madalangAt ang pera di mabilang, dahil sila’y kulang kulangBahay na ating tirahan, swerte nang may kasamang hagdananBahay ng mga mayamanSigaw nila, buti raw sila may higaanNgunit ang mga batang pulubiNakahiga lamang sa lupaan, walang masilungan sa malakas na pag-ulanHindi natin nakikita kung gaano tayo pinagpalaMga buhay natin parang tunog ng isang gitaraNgunit ang mga batang pulubi, hindi pa nakakatapak sa loob ng eskwelaEskwelang ano? Eskwelang “sana suspended tayo”?Kailangan pa ba magsulat ng nobela? Para bigyan ng halagaAng mga biyayang binuhos nang ating makapangyarihan na BathalaMagpasalamat kung ano man mayroon tayo, dahil may mga ibang taoPuro buto at nanliliit na ang brasoYung iba..Yung iba, wala nang pulso